Home NATIONWIDE Kilos-protesta ikinasa vs cancellation case ng NTF-ELCAC sa Kabataan Partylist

Kilos-protesta ikinasa vs cancellation case ng NTF-ELCAC sa Kabataan Partylist

202
0

MANILA, Philippines – Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga kabataan at ilang grupo ng mga estudyante na nagkasa ng kilos protesta sa tanggapan ng Commission on Elections.

Ito ay dahil hinaharangan ng mga pulis ang grupo na makatungtong sa mismong harapan ng tanggapan ng Comelec dahil ang itinakdang lugar lamang para magdaos ng programa at kilos protesta ay sa Plaza Roma.

Ngunit hindi na rin napigilan ng mga pulis ang mga ralyista at naihayag din ang kanilang hinaing sa harapan ng Comelec para himukin ang pamunuan nito na ibasura ang gawa-gawang cancellation case ng NTF-ELCAC na inihain laban sa Kabataan Partylist.

Giit ng mga kabataan, ang nasabing hakbang ay bilang pagpigil sa mismong kumakatawan ng kabataan.

Paraan din ito upang mapatahimik ang mga kabataan na nais lamang ipaglaban ang karapatan ng bawat mamamayan.

Isa rin itong paraan ng panggigipit upang hindi na magsalita pa ang mga nasa sektor ng kabataan sa mga isyu partikular sa nangyaring malawakang korupsyon sa flood control project.

Apela din nila sa Comelec na tanggalin na ang mga political dynaties at mga pekeng partylist na hindi naman kumakatawan sa totoong marginalized sector. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here