Home NATIONWIDE Kilos-protesta umarangkada sa International Women’s Day

Kilos-protesta umarangkada sa International Women’s Day

MANILA, Philippines- Libo-libong Pinay ang nakiisa sa International Working Women’s Day, kung saan tinawagang-pansin sa kilos-protesta ang umiiral na economic at political issues sa bansa.

Binigyang-diin sa rally, pinangunahan ng Gabriela Women’s Party, ang kahalagahan sa kasaysayan ng March 8.

Binanggit nila ang mga nakaraang labor movements at kasalukuyang lagay ng mga kababaihang Pilipino na patuloy ang laban para sa patas na sahod, labor rights, at kalayaan mula sa “state repression.”

“The economic crisis continues to hit women the hardest, with soaring prices of rice, vegetables, and other essential goods making it increasingly difficult for women to put food on the table,” giit ng grupo.

Hinimok din ng mga raliyista ang Marcos administration na tutukan ang mga polisiyang direktang nagpapababa sa halaga ng mga pangangailangan sa halip na pag-uulat lamang umano ng pagbagal ng inflation rates.

Nanawagan din ang Gabriela sa mga kababaihan sa buong bansa na magkaisa laban sa inilarawan nila bilang “anti-worker policies, economic hardship, and state violence.” RNT/SA