Home METRO Kilos-protesta vs Israel-Gaza conflict umarangkada sa harap ng US embassy

Kilos-protesta vs Israel-Gaza conflict umarangkada sa harap ng US embassy

MANILA, Philippines- Nakipagbanggaan ang mga aktibista sa anti-riot police sa Maynila nitong Sabado matapos silang harangin sa pagsasagawa ng demonstrasyon sa harap ng U.S. embassy bago ang anibersaryo ng Israel-Gaza conflict.

Kalaunan ay nagsagawa ng kilos-protesta ang mga raliyista ilang metro ang layo mula sa embahada kung saan sinunog nila ang bandila ng U.S. at inihirit na wakasan na ang kaguluhan sa Gaza.

“We are condemning the U.S. for continuing to supply Israel with weapons of mass destruction. The U.S. is responsible for the carnage in Palestine,” pahayag ni Bayan Secretary General, Mong Palatino.

Nag-ugat ito ang pinbakabagong Israeli-Palestinian conflict sa pag-atake ng Palestinian Hamas militants noong Oct. 7, 2023, na pumaslang sa 1,200 at kung saan 250 ang dinukot, base sa Israeli tallies. RNT/SA