MANILA, Philippines- Inihayag ng ilang teachers’ groups sa isang forum nitong Biyernes na ang pilot implementation ng revised Matatag K-10 curriculum ay “leading to additional stress and exhaustion.”
“While the Matatag curriculum is designed to improve foundational skills, the piloting has led to increased workload for teachers,” pahayag ni Serafin Molina ng Teachers and Employees Association for Change, Education Reforms and Solidarity Inc.
Matatandaang ipinag-utos ng Department of Education (DepEd) na lahat ng learning areas ay ituro sa loob ng 45 minuto kada araw sa loob ng limang araw. Pinayagan nito ang mga paaralan na sa halip ay maglaan ng 50, 55, o 60 minuto kada linggo sa bawat learning area.
“We are not robots. We are human beings who get tired,” dagdag ni Molina.
Iginiit ng mga grupo na nananatili ang mga isyu sa Magna Carta for Public School Teachers, kabilang ang proteksyon sa kanilang working hours, idinagdag na ang batas “lost its potency” dahil sa “lack of awareness and corrupt practices.”
Gayundin, inihayag ni Edelwisa Puri mula sa Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers, “Without political will and proper enforcement, this once-noble law will continue to fail teachers.”
Ipinakilala noong 2023 ni dating Education Secretary Sara Duterte, nirebisa ng Matatag curriculum ang foundational skills para sa Kindergarten hanggang Grade 10, binawasan ito mula pito sa lima: Language, Reading and Literacy, Mathematics, Makabansa, at Good Manners and Right Conduct.
Inihayag ni Secretary Sonny Angara, pumalit kay Duterte matapos itong magbitiw noong Hulyo, na wala siyang balak baguhin ang programa upang makamit ang katatagan ng curriculum. RNT/SA