Home ENTERTAINMENT Kim at Paolo, ‘di na sweet!

Kim at Paolo, ‘di na sweet!

Manila, Philippines – Self-confessed shipper si Ogie Diaz if ever lumampas pa sa working relationship ang namamagitan kina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Kim and Paulo topbill a Pinoy adaptation of a Koreanovela.

At dahil “fantasya” ng talent manager cum content creator na magkatuluyan ang dalawa in real life, labis na ikinalungkot ni Ogie ang nasagap niya mula sa isang reliable source.

Iniulat kasi ni Ogie sa kanilang online program na Showbiz Update ang tsika na mismong galing sa production ng seryeng ginagawa nina Kim at Paulo.

Sumusumpa kasi ang naturang insider na hindi na raw ganoon ka-sweet ang dalawa off camera.

Kung on camera ay sweet sina Kim at Paulo ay understandable ito, as they’re simply breathing their character.

Tsika ng source, hindi naman aloof o hostile sina Kim at Paulo sa isa’t isa.

It’s just that nagpapakatotoo lang daw si Kim who’s revealing herself as someone who does not necessarily have feelings toward her screen partner.

As for Paulo, keber din lang daw ito kung nabawasan man ang sweetness nila ni Kim sa isa’t isa dahil mas importante raw sa aktor ang kanyang trabaho.

Kulang na lang daw sabihin ni Kim na huwag nang ipilit na may aasahan ang mga fans na may magandang ibubunga ang kanilang screen partnership.

Samantala, umani ng maraming likes ang “pixie cut” ni Kim na bumagay raw sa TV host-actress.

Breath of fresh air daw na makitang Kim is sporting a shorter hair dahil for the longest time nga naman ay nasanay tayo sa kanyang long, wavy hair.

Kapaniwalaan among women na ang new hairstyle symbolizes moving on from a heartache.

Kung ‘yun daw ang kahulugan ng bagong hairstyle meron si Kim, masaya ang kanyang mga fans that she has since moved forward mula nang mag-break sila ni Xian Lim.

Refreshing din daw makitang back in her old bubbly self si Kim when she attended her close showbiz friend Angelica Panganiban’s beach wedding in Siargao.

That explains kung bakit wala si Kim sa It’s Showtime nang magkasunod na araw (Friday and Saturday).

Inaasahang sa pagbabalik niya sa nasabing noontime show ay ipagdiriwang naman niya doon ang kanyang 34th birthday. Ronnie Carrasco III