Home METRO Iloilo City nagdeklara ng state of calamity sa krisis sa tubig

Iloilo City nagdeklara ng state of calamity sa krisis sa tubig

ILOILO CITY- NASA state of calamity ang lungsod na ito dahil sa kakulangan ng tubig bunsod sa epekto ng matinding init ng panahon.

Sa pahayag ng lokal na pamahalaan ng lungsod, nagdeklara ang Sangguniang Panlalawigan ng state of calamity bilang daan para mapadali sa lungsod na gamitin ang bahagi ng calamity fund nito na nagkakahalaga ng P12.5 milyon para sa pagbili at pag deliver ng tubig sa lahat ng apektadong barangay.

Kabilang dito ang mga barangay sa labas ng assessment ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRA).

Sa ipinalabas ng PAGASA mataas ang heat index sa delikadong lebel sa Iloilo City at iba pang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA na maaaring tumaas ang heat index sa 42°C Iloilo City at Dumangas, Iloilo na posibleng magdulot ng heat cramps at heat exhaustion, gayundin ng heat stroke./Mary Anne Sapico