Manila, Philippines – Katakot-takot na pamba-bash ang inabot ni Kim Chiu kaugnay ng naging komento niya kay Ryzza Mae Dizon sa isang segment ng kanilang noontime show.
Nagsilabasan din ang iba pang lumang clip kung saan may insensitive remark din ang Chinita actress tungkol sa mga pusa.
Naging usap-usapan din ang naging cold treatment umano nito sa engkuwentro nila ng isang kilalang movie journalist.
Sa lahat ng isyung kinahaharap, tila dedma naman ang attitude ng actress sa kontrobersya, kahit may mga nagmamahadera na iginigiit na humingi siya ng public apology.
Sa halip, mga cryptic post ang mababasa sa kanyang IG Story.
Ang isang voiceover na ibinahagi niya ay paalala ng pagiging matatag na hindi kayang patumbahin ng anumang pagsubok.
Pagbabahagi niya: “Seems like you forgot again. Let me remind you: You’ve made it through things you thought would break you. You’ve stood alone in rooms where no one noticed your pain. You’ve smiled with a heavy heart just to make others comfortable. You’ve been the strong one for so long, you started believing that you don’t need anyone.
“You forgot how far you’ve come. You forgot that it’s okay to rest, that you don’t have to carry it all.
“If no one’s told you lately, I’m proud of you.
“For holding on, for still trying even when it’s hard. You’re not behind, you’re not weak, you’re human and that’s enough.”
May ibinahagi rin siyang payo at inspirational message mula sa COO ng isang AI-powered platform na si Angela Wilson na may pamagat na “Let Them.”
Sa mensahe, sinabi nito na dati ay nababahala siya sa impresyon ng ibang tao tungkol sa kanya kaya naisip niyang laging magpaliwanag.
Pero at some point, na-realize niya na hindi niya responsibilidad kung anuman ang iniisip ng ibang tao tungkol sa kanya.
Sey pa niya, tanggap niya na sa kuwento ng mga tao ay posibleng maging kontrabida siya.
Hirit pa niya, kung sakaling lumabas siyang masama, dapat ay hayaan na lamang niya ang mga ito.
Sa huli, alam naman daw ng Diyos ang kanyang niloloob.