Home ENTERTAINMENT Mariel, nagbigay ng kundisyon kay Robin!

Mariel, nagbigay ng kundisyon kay Robin!

1
0

Manila, Philippines – Sabi nga ng matatanda tungkol sa pakikipagrelasyon: “Ang pagsasama nang tapat ay pagsasama nang maluwag.”

Which means, dapat ay antimano pa lang ay klaro na ang mga parameters surrounding the relationship, most especially between couples.

From the very start din, nilinaw nina Senator Robin Padilla at Mariel Rodriguez ang inaasahan nila sa isa’t isa.

Kumbaga, kung may mga kundisyon si Robin that have to be met or fulfilled, ay ganoon din si Mariel.

Inamin ni Mariel na nagtakda ang kanyang mister ng mga kundisyon.

“There are two conditions,” simula ni Mariel.

“The first is huwag ko raw pakialaman ang Mindanao. The second, his children,” dagdag niya.

Paliwanag ni Mariel, she has to keep off anything about what her husband does for Mindanao—and that includes ang ginagawa nitong serbisyo, Robin being a Muslim.

“And of course, hindi ko rin pinakikialaman ang kanyang mga anak. I get it!” pahayag niya.

Pero tulad ni Robin, mayroon din daw kundisyon si Mariel.

Aware naman daw ang TV host-actress na sa piniling relihiyon ni Robin, he can have as many as four wives.

“Alam ko ‘yon, but here’s my condition… it can only be me!” tahasang sabi ni Mariel.

Asked to assess her married life with Robin, hindi na nagpatumpik-tumpik si Mariel.

Aniya, “I’ve never been more content now. I must say this is one of the best times of my life!”

Totoo yarn!

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here