Home ENTERTAINMENT Kim, di nakasipot sa opening ng sariling pop-up store; Bunnies, nagwo-worry na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kim, di nakasipot sa opening ng sariling pop-up store; Bunnies, nagwo-worry na!November 3, 2026 12:3920 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – No-show si Kim Chiu sa opening ng kanyang pop-up store ng House of Little Bunny sa isang mall sa Davao City.Wala din si Kim sa 17th anniversary episode ng It’s Showtime nitong nakaraan — bagay na ikina-worry ng kanyang mga fans.Ito’y dahil sa mga isyung kinakaharap ng TV host-actress–lalo na sa kanyang legal battle laban sa kanyang Ate Lakam.To appease her fans, may ipinost si Kim sa Instagram Stories, na humihingi ng paumanhin lalo na sa mga nag-antabay sa kanya sa Davao.With it came a message of faith, trust in the process and hope na sana’y manaig ang katotohanan amid her struggles.Aniya: “Sorry, bunnies, won’t make it today.‘Another difficult day, but I’m choosing to be strong, keep my faith and trust the process…May God continue to guide us through everything.”Nagpasalamat si Kim sa pagmamahal, pasensya at pang-unawa ng kanyang mga Bunnies:Nagpasalamat si Kim sa pagmamahal, pasensya at pang-unawa ng kanyang mga Bunnies: “See you all soon!”Sa puntong ito, nothing can be worse than her issue with her elder sister Kim na kinakaharap ng aktres.Kung matatandaan, July 26 this year pa noong magkita’t nagkausap ang magkapatid.Dito na din nag-isyu ng ultimatum si Kim kay Lakam na bayaran ang kinuha nitong pera sa loob ng isang linggo.Pormal nang naghain ng kaukulang demanda si Kim laban sa kapatid–involving 124 counts of qualified theft. Ronnie Carrasco III