Home ENTERTAINMENT Kim, iniyakan ang buhok!

Kim, iniyakan ang buhok!

259
0

Manila, Philippines — Mismong si Kim Chiu finds herself and her reaction OA.

Ito’y makaraang parang bata niyang iniiyakan habang iniiksian ang kanyang mahabang buhok.

Kinailangan ni Kim na magpagupit ng maikli para sa kanyang upcoming serye — The Alibi — opposite Paulo Avelino.

Post ni Kim: “OA talaga. OA na pero gagawin ko ’to alang-alang sa sining… goodbye long hair!”

Kinuwestyon din ng TV host-actress ang naidudulot ng buhok sa isang babae: “‘Di ba, part of confidence ang buhok? It’ll give another kind of confidence!”

Pinakalma naman si Kim ng mga netizens, na nagsabing bagay naman sa kanya ang maikling buhok.

No worries din daw dahil madali lang naman niyang pahabain ito.

Well, maliban na lang kung may nilabag na clause si Kim sa kanyang shampoo commercial contract, ’di ba? — Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here