Home ENTERTAINMENT Kim, kinilabutan sa nagkaproblemang eroplano!

Kim, kinilabutan sa nagkaproblemang eroplano!

238
0

Manila, Philippines – Sa kanyang X account, nagbahagi si Kim Chiu ng kanyang nakakakilabot na karanasan habang lulan ng eroplano.

Aniya, papunta raw sila noon sa Butuan nang magkaaberya ang kanilang airplane.

Ganap na 4:30 nang umaga raw ang kanilang flight pero nag-take off ang plane ng alas singko.

Ang siste, pagkatapos nilang lumipad, nag-anunsyo raw ang piloto na kailangan nilang bumalik sa Manila dahil nagkaroon ng technical issue ang kanilang sinasakyan.

Bago raw iyon ay nakita na niyang aligaga rin ang crew ng plane kaya kinabahan siya.

Pinilit daw niyang pakalmahin ang sarili sa pamamagitan ng pag-idlip at pagdarasal.

Sa huli, nagpasalamat naman siya dahil naka-land sila ng ligtas sa ground.

Hirit pa niya, nagpaalala raw sa kanya ang naging karanasan kung paanong nakasalalay ang hiram na buhay ng isang tao sa Maykapal.

Ito ang tweet niya: “Nakaka O to the M to the G moment!!!! Our plane .@flyPAL going to Butuan had to turn back to Manila just 10-15 minutes after takeoff due to a technical issue. Mid-air, I found myself lowkey panicking—my mind racing, even looking for seat 11A. I tried to stay calm, prayed hard, and thankfully, we landed safely. What a morning. back in Manila.”

Inulan naman ng mensahe ng panalangin ng kaligtasan ang chinita actress.

Sey ni Ogie Alcasid: “Hope you guys are ok.”

Komento naman ng ibang netizens:

“Safe skies kimmy and pau!”

“I hope kimmy you’re always wearing the padre pio necklace, especially. Travelling! Keep safe always to both of you.”

“God is watching over you. Remember what happened to Air India after take off landed a terrible crash killing all passengers except for one lone survivor, it was a miracle and the mother who was late for 20 mins. missing her flight. Pray Psalm 91 daily, he is your protector.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here