Manila, Philippines – Hindi nagsasalita si Kyline Alcantara kung bakit naghiwalay sila ni Kobe Paras.
Ilang buwan na ngayon ang nakalilipas magmula nang mag-split sila at dedma lang siya kahit pa nga kaliwa’t kanang batikos ang naranasan niya.
Katwiran niya, “I do not owe the world my heartbreak. So, sa akin yun,” sabi ni Kyline sa panayam ng GMA sa kanya.
“My heart is good, it’s better now definitely, with the help of everyone around me.
“Nasaktan mo man ako, I will always show grace. And I will never fight back publicly, and I will never speak up about whatever is happening in my private life publicly,” aniya pa.
Mas pinili raw niyang manahimik tungkol sa nangyari dahil naniniwala siyang, “I do not need to prove myself to anyone.
“I do not need any validation galing sa kahit na kanino, especially the public. I know that I am a public figure, but I’m not a public property.
“I will never fight back because alam ko yung karma o yung revenge manggagaling yan sa ating Panginoong Diyos,” sabi pa ng dalaga.
Hindi rin siya naniniwala sa paghihiganti, “No po. No talaga. Kasi alam ko rin naman, kung sino man ang nakasakit sa akin, mahal rin naman siya ng ating Panginoong Diyos.
*Alam ko na mabuti siyang tao, as a person. Alam ko na may kabutihan siya sa puso niya. So, never po talaga.
“And again, si God na po ang bahala du’n because He saw what I didn’t see. He heard what I didn’t hear. So, siya na po yun. I’ll just move on,” paliwanag pa ni Kyline. Rommel Placente