Mulat na mulat nga ang TV host-actress na si Kim Chiu sa mga kaganapan sa bansa lalo na ang problema ng korapsyon.
Nakuha kasing isingit ni Kim ang pagpapaalala sa kanyang basher na mas may matindi pang isyung kinakaharap ng bansa kesa punahin ang kanyang “honest mistake.”
Nag-ugat ang problema sa pagkakamali ni Kim sa pagtawag sa pangalan ng Filipino rock band na IV of Spades na nag-guest sa It’s Showtime.
Her basher–who she called a “clout chaser”–took to X (dating Twitter) para laitin siya.
Kinagabihan din ay sumagot si Kim.
Post niya, kaya raw walang pinagbago ang bansa ay dahil sa asal ng mga tulad ng basher na ‘yon.
Giit ni Kim: “May mababago ba? Maibabalik ba ang tax na ninakaw sa atin?”
Napakasimpleng bagay daw ang pagkakamaling ‘yon para pag-aksayahan ng panahon.
Why not help pull up each other kesa maghilahan pababa?
Pare-pareho naman daw tayong nagtatrabaho nang patas at parehas: “Be kind, be considerate!”
Ginawa ni Kim na halimbawa ang kanyang apelyido na kadalasa’y mali ang pagkakabigkas, yet hindi ito big deal sa kanya.
Oo nga naman, some people simply make mountains out of molehills! Ronnie Carrasco III