Home NATIONWIDE Kinanselang P28.7B pautang kaklaruhin ng DFA sa SoKor

Kinanselang P28.7B pautang kaklaruhin ng DFA sa SoKor

243
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hihingi ito ng paglilinaw sa Embahada ng South Korea sa Maynila matapos ipahayag ni South Korean President Lee Jae-myung sa Facebook ang pagkansela sa ₩700 bilyon (₱28.7 bilyon) na loan para sa “PBBM Bridges” project ng Pilipinas dahil sa alegasyong may katiwalian.

Bagama’t iginiit ng Department of Finance (DOF) na walang pormal na loan application sa South Korea, kinumpirma ng Department of Agrarian Reform (DAR) na nagkaroon ng paunang pagpupulong tungkol sa pagtatayo ng 350 modular bridges sa iba’t ibang probinsya.

Ayon sa post ni Lee, “substandard” umano at madaling mapasok ng katiwalian ang proyekto, kaya agad itong pinatigil.

Sinabi ng DFA na makikipag-ugnayan ito sa Embahada ng South Korea para sa paglilinaw.

Lumabas ang isyu sa gitna ng mga imbestigasyon ng Senado at Kamara sa mga maanomalyang flood control projects na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong piso at iniimbestigahan dahil sa umano’y pakikipagsabwatan ng ilang opisyal at kontratista. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here