Home METRO Parak timbog sa P16-M iligal na yosi sa Zambo

Parak timbog sa P16-M iligal na yosi sa Zambo

188
0
Image Representation Only

MANILA, Philippines – Inaresto sa Zamboanga City ang isang pulis mula Sulu at ang kanyang driver matapos mahuli sa checkpoint sa Barangay Talabaan pasado ala-1 ng madaling-araw, Setyembre 11.

Ayon kay Col. Fidel Fortaleza Jr., hepe ng Zamboanga City Police Office, sakay ng isang closed van ang dalawa na may kargang 282 master cases ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng ₱16.16 milyon.

Nasa kustodiya na ngayon ng ZCPO Station 4 ang mga suspek, habang dinala naman sa Bureau of Customs ang mga nakumpiskang sigarilyo at sasakyan para sa kaukulang disposisyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here