Home NATIONWIDE Kinaroroonan ni Bonoan, ‘di pa ma-trace ng mga awtoridad – Malakanyang

Kinaroroonan ni Bonoan, ‘di pa ma-trace ng mga awtoridad – Malakanyang

259
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-trace ng mga awtoridad ang kinaroroonan ni dating Public Works Secretary Manuel Bonoan, sa kabila ng kabiguan nito na magbalik sa Pilipinas matapos na umalis patungong Estados Unidos.

Dapat ay dumating at bumalik na sa Pilipinas si Bonoan noong December 17, subalit sinabi ng Bureau of Immigration na walang rekord na magtuturo sa pagpasok ni Bonoan sa bansa.

“Let’s take a look. For now, there are no orders regarding that,” ang tugon ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyag nang tanungin kung sinusubaybayan ba ng Executive Department ang kanyang lokasyon.

“He is a private individual, so let’s see if there is a case that can be filed against him. If so, he will probably just be summoned,” ang winika ni Castro.

Si Bonoan ay kasalukuyang subject ng immigration lookout bulletin para sa di umano’y pagkakadawit nito sa flood control controversy.

Nangangahulugan ito na ang immigration authorities ay inatasan na i-monitor lamang ang kanyang byahe at hindi ang pigilan itong umalis ng bansa.

Isang hold departure order, ang nagbigay sa government agents ng kapangyarihan na pigilan ang isang tao na bumiyahe patungong ibang bansa, ipinalalabas ng korte.

Samantala, umalis ng bansa si Bonoan noong November 11, 2025 para samahan ang kanyang asawa para sa isang medical procedure. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here