Home NATIONWIDE King Charles III sapul ng cancer

King Charles III sapul ng cancer

LONDON, United Kingdom– Na-diagnose si King Charles III ng isang uri ng cancerat nagsimula nang sumailalim sa gamutan, ayon sa Buckingham Palace nitong Lunes, isang linggo lamang matapos niyang makalabas ng ospital para sa prostate surgery.

Dahil dito, dumagsa ang mensahe ng suporta, kung saan sinabi ang anak ng 75-anyos na hari na si Prince Harry na nakausap niya ang ama ukol sa kanyang diagnosis at bibisitahin nya ito.

Kasalukuyang naninirahan ang bunso niyang anak sa California kasama ang asawang si Meghan, na sinabing tutulak siya sa UK sa mga susunod na araw, ayon sa isang source na malapit kay Harry.

Naupo bilang hari si Charles pagkamatay ng kanyang inang si Queen Elizabeth II, noong September 8, 2022.

Subalit, ayon sa palasyo, sa hospital procedure niya kamakailan para sa benign prostate enlargement “a separate issue of concern was noted.””

“Subsequent diagnostic tests have identified a form of cancer,” pahayag ng palasyo, at sinabing ginagamot na si King Charles, subalit hindi tinukoy kung anong uri cancer at kung gaano ito kalala.

Anang palasyo nananatili ang haring “wholly positive” anat d “looks forward to returning to full public duty as soon as possible.”

Pinayuhan siya ng mga doktor na ipagpaliban ang kanyang public duties bagama’t ipagpapatuloy niyang magsagawa ng “state business and official paperwork as usual,” anito.

Inihayag ng palasyo na ibinahagi ni Charles ang kanyang cancer diagnosis “to prevent speculation and in the hope it may assist public understanding for all those around the world who are affected by cancer.” RNT/SA

Previous articleMaricel, may pahaging sa ex!
Next articleDagdag-singil ng Meralco nagbabadya ngayong Pebrero