Home ENTERTAINMENT Maricel, may pahaging sa ex!

Maricel, may pahaging sa ex!

Manila, Philippines – Sa panayam ni Korina Sanchez kay Maricel Soriano para sa programa niyang Korina Interviews sa Net25, natanong ang Diamond Star kung friends ba niya ang lahat ng kanyang naging karelasyon noon.

Ang mga naging boyfriends noon ni Maricel ay sina William Martinez, Richard Merk, Ronnie Rickets at Cesar Jalosjos, kung saan ay nagkaroon sila ng anak na si Sebastien, na ngayon ay 31 years old na.

Naging asawa naman ni Maricel si Edu Manzano.

Tumango si Marya bilang sagot na oo sa tanong ni Korina, pero biglang natigilan at nag-dialogue ito ng, “Parang nagla-lie ako doon. Hindi. Hindi lahat.

“Isa lang, actually, ang hindi. E, hulaan niyo na lang kung sino. I cannot say the name.”

Paliwanag ni Maricel, “Pero majority of them okay ako sa lahat, except for one person.”

Hindi napilit ni Korina si Maricel na banggitin kung sino ang dating karelasyon na hindi niya naging kaibigan nang maghiwalay sila.

Siguradong hindi si Edu ang tinutukoy ni Marya dahil hanggang ngayon ay friends pa rin sila kahit naghiwalay sila.

In fact, naging guest niya pa si Edu sa kanyang YouTube channel.

Hindi kaya si William ang tinutukoy ni Maricel? Napabalita kasi noon na dapat ay ang dating ka-loveteam ang kukuning kapareha ni Maria sa seryeng ginawa niya na General’s Daughter na pinagbidahan ni Angel Locsin, pero tinanggihan niya ito kaya si Albert Maritnez na lang ang ibinigay na kapreha niya sa nasabing defunct series ng ABS-CBN. Rommel Placente