Home NATIONWIDE Fish production sa Laguna de Bay palalakasin ng DA

Fish production sa Laguna de Bay palalakasin ng DA

MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Agriculture na kasado na ang planong paramihin ang produksyon ng isda sa Laguna de Bay sa layunin ng ahensya na ibaba ang presyo ng pagkain, ayon sa isang opisyal nitong Lunes.

“Tutulungan ng DA iyong mga gustong mamuhunan marine culture, aquaculture para maging sapat ang produksyon ng isda, kasama na rito iyong bangus, tilapia, hito, pompano at saka iyong shrimps at crabs. Alam natin na iyong Laguna de Bay ang isa sa pinakamalaking supplier ng isda sa Metro Manila, kasama na rito iyong iba pang karatig lugar,” pahayag ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa sa isang televised briefing.

Nauna nang sinabi ni Agriculture Secretary Tiu na sinisilip ng ahensya ang pagbuhay sa Laguna de Bay, ang pinkamalaking freshwater lake ng bansa, bilang isang major fish source para sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

“So, hindi man DA iyong may sakop sa lawa, pero inatasan na ni Secretary Laurel ang BFAR, para pag-aralan kung paano mapataas ang production ng isda at naniniwala ang ating kalihim na kayang ibaba iyong presyo ng bangus sa Laguna de Bay ng 70 to 80 pesos lamang kada kilo,” ani De Mesa.

Samantala, umaasa ang Agriculture Department na bababa na ang presyo ng round scad o galunggong, maging iba pang pelagic fish, matapos muling payagan ng gobyerno ang pangingisda ng nasabing species.

“Dahil nagsisimula na ulit iyong ating open season ngayong February-March, inaasahan natin na malaki iyong ibaba. Siguro hanggang 30% na presyo ng galunggong at iba pang pelagic fish,” sabi ni De Mesa.

Nauna nang ipinag-utos ng mga awtoridad ang annual fishing ban para sa galunggong sa Palawan noong nakaraang taon para bigyang-daan ang repopulation ng fish stocks. RNT/SA

Previous articleSenate probe vs cyberattack mula Tsina ikinasa ni Risa
Next articleMaricel, may pahaging sa ex!