Home METRO HVI tiklo sa P8.1M shabu sa Cebu

HVI tiklo sa P8.1M shabu sa Cebu

MANILA, Philippines – Inaresto ang isang high-value individual na sangkot sa illegal drug trade sa isinagawang buybust operation sa Sitio San Rafael, Brgy. Tangke sa Talisay City, Cebu madaling araw ng Biyernes, Mayo 10.

Kinilala ang HVI na si Joey Gabrillo, 29-anyos, isang electrician na may live-in partner, at residente ng Urban Poor, Brgy. Maghaway, Talisay City.

Nakuha mula kay Gabrillo ang 1.2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P8,160,000.

Nakumpiska rin ng pulisya ang isang piraso ng genuine one thousand peso bill kasama ang 49 piraso ng P1,000 bill bogus money na ginamit bilang buy-bust money, android phone, P600 cash na pinaniniwalaang mula sa illegal na droga, isang medium size white plastic na ginamit bilang drug container, isang yellow-green tea bag na may Chinese markings, pink back-pack at motorsiklo.

Nag-ugat ang operasyon sa pagtutulungan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Talisay City Police Station, at Philippine Drug Enforcement Agency in Central Visayas (PDEA-7).

Dinala na sa Talisay City Police Station ang naarestong HVI para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. RNT/JGC