Sinuspinde ng apat na laro na walang bayad ang guard ng Milwaukee Bucks na si Patrick Beverley dahil sa paghagis ng basketball ng maraming beses sa mga manonood at isang hindi naaangkop na pakikipag-ugnayan sa isang reporter,ayon sa NBA.
Naganap ang pambabato ng bola ni Beverley pagkatapos ng 120-98 pagkatalo ng Bucks sa Indiana Pacers sa Game 6 ng Eastern Conference first-round series noong Huwebes. Naalis ang Bucks sa playoffs dahil sa pagkatalo.
Si Beverley, 35, ay isa nang free agent.
Sa mga huling minuto ng laro noong nakaraang Huwebes, isang fan ang naiulat na nang-aasar ng mga manlalaro mula sa likod ng bench sa Milwaukee. Hinagisan ni Beverley ng basketball ang fan, gayunpaman ay lumampas ang bola at natamaan ang ulo ng isang babae.
Noon ay kinuha ng isa pang fan ang bola at inihagis kay Beverley, na agresibong ibinalik ito. Lumapit sii Beverley at nakipagpalitan ng mga salita sa fan, kasama ang teammate na si Jae Crowder na sinusubukang pakalmahin siya.
Nag-average si Beverley ng 6.2 points, 3.3 rebounds at 2.9 assists sa 73 games (13 starts) split sa pagitan ng Philadelphia 76ers at Bucks ngayong season. Nag-ambag siya ng 8.3 points, 4.1 boards at 3.4 assists sa 666 career games (518 starts) kasama ang pitong magkakaibang NBA teams.