Home ENTERTAINMENT Kiray, walang galang kay Maria, binarag!

Kiray, walang galang kay Maria, binarag!

311
0

Manila, Philippines – May dapat ipaliwanag ang Kapuso comedienne na si Kiray Celis to acquit herself.

Barag na barag kasi ang aktres dahil sa paraan ng kanyang pakikipag-usap kay Maricel Soriano.

Ibinahagi kasi ng Diamond Star sa kanyang Facebook ang vlog interview niya kay Kiray some two years ago.

Kapansin-pansin ang pagiging kumportable nila sa isa’t isa to the point na nagbibiruan pa sila.

Pero bumanat ng ganito ang komedyana, natatawa daw siya kung bakit tungkol sa beauty tips na maaari niyang i-share ang dahilan why Maricel wanted to interview her.

Sa dinami-dami daw kasi ng puwedeng pag-usapan, bakit beauty pa gayong hindi naman daw siya credible authority on the topic?

Wari ay sinisisi ni Kiray ang staff ni Maricel.

Dagdag pa niya, mas maaasahan daw kung hihingan siya ng tips about life: “Pero beauty?!”

For the most part of the interview, hindi rin nakaligtas sa mga netizens ang tila kawalan ng paggalang ni Kiray kay Maricel.

Feeling daw nito’y kaedad lang niya ang multi-awarded actress.

Hayun, katakutakot na pamba-bash ang inabot ni Kiray!

Anila, tugma lang daw ang itsura nito sa kanyang ugali.

Kinunsidera rin daw sana ni Kiray ang edad ng nag-iinterbyu sa kanya, huwag na ang estado ni

Maricel being one of the country’s finest actresses.

Pero in fairness, may mga dumepensa naman kay Kiray.

Kaya daw ganoon kung umasta ito’y dahil close naman daw talaga siya sa Diamond Star.

Still, their closeness does not give Kiray the license to talk without sense of respect sa taong mas may edad sa kanya! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here