Home ENTERTAINMENT Kit at Ana, nagkabalikan?

Kit at Ana, nagkabalikan?

Manila, Philippines- Aktibo pa rin pala si Kit Thompson sa showbiz. Meron siyang bagong pelikula.

Sa mga nakalimot, si Kit ang boyfriend ng sexy star na si Ana Jalandoni.

Nagkaroon ng malaking iskandalo ang dalawa sa isang hotel dahil sa pananakit ni Kit na halos ikamatay ng sexy star noong 2022.

Two years ago na pala ang insidente at wala na tayong nabalitaan pagkatapos ng left and right interbyu ni Ana sa socmed.

Pagkatapos, nagsampa pa ng reklamo si Ana kontra kay Kit for violation of Section 5 of Republic Act No. 9262, or the Anti-Violence Act Against Women and their Children Act of 2004 noong June 20, 2022.

And then, nanahimik na ang sina Ana at Kit. Pati ang kaso ay wala na ring balita kung natuloy or na-dismiss na.

Baka nga na-dismiss na lalo pa’t tsinika ng aming source na nagkabalikan na raw sina Ana at Kit.

Hindi na namin masyadong inalam kung paano at kailan sakto nagkabalikan ang dalawa.

Basta ang alam namin parehong active ulit sa showbiz sina Ana at Kit. Julie Bonifacio