Home ENTERTAINMENT Kita ng movie ni Toni, pinagtaasan ng kilay!

Kita ng movie ni Toni, pinagtaasan ng kilay!

Manila, Philippines – To be fair, mukha namang may semblance of truth ang ipinost ng direktor ng My Sassy Girl sa social media.

Anito, umabot daw naman ng P5M ang kinita ng pelikula nina Toni Gonzaga at Pepsi Herrera on its opening day.

Sinusugan din ito ng Viva na naglabas ng art card.

Kaso, hindi maiiwasang maglipana ang mga doubting Thomases.

Isang netizen took a picture of the empty seats sa isang sinehang pinagpalabasan nito sa unang araw.

Aniya, susubukan daw niyang i-check sa ibang mga mall theatres.

Sumang-ayon naman ang isang netizen sa naunang post na maraming upuan ang bakante.

Payo nito sa mga taga-produksyon, huwag basta-basta maniniwala sa “press release” kahit nagmula pa ito sa mismong nagdirek ng pelikula.

But come to think of it, P5M sa panahon ngayon sa unang araw ng commercial run ay hindi na masama.

Ramdam nga ang kalagayang ito pagkatapos ng MMFF 2023.

Practically, most of the movies which opened last January bombed at the tills.

Kung P5M lang ang box office gross ng Toni-Pepsi movie, chances are ay madadagdagan pa ito sa mga susunod na araw.

Samantala, nakakaaliw ang post ni Janno Gibbs tungkol sa pelikula niyang Itutumba Ka ng Tatay Ko.

Aware si Janno na flop ‘yon yet he found a way to humor himself.

Ang post niya kasi ay: “The highest grossing film of all time!”

lisipin nga naman ng mga netizens that Janno was referring to Rewind na almost P1B na ang kinita.

But nah, ang tinutukoy ni Janno ay ang mismong pelikula niya!

Na may kasunod na linyang…”in my dreams!”

Aliw, ‘di ba naman? Ronnie Carrasco III