Home NATIONWIDE Kita ng PH gaming sector lumago sa P94.61 bilyon

Kita ng PH gaming sector lumago sa P94.61 bilyon

Nakitaan ng dobleng pagtaas ng kita sa ikatlong kwarter ng 2024, pangunahing nagdala ng pagtaas ng benta ang sektor sa electronic games na nakabawi sa pagbaba na nakikita sa iba pang tradisyonal na gaming sector.

Sa pahayag, iniulat ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na ang local gaming sectors gross gaming revenues (GGR) na nanumabot sa P94.61 bilyon noong Hulyo hanggang Setyembre na tumaas ng 37.52 percentula sa P68.79 bilyon sa parehong kwarter noong nakaraang taon.

Ang mga electronic games ay nakabuo ng P35.71 bilyon na kita sa ikatlong kwarter, tumaas ng 464.38 percent mula sa P6.32 bilyon taon-taon.

Sinabi ni PAGCOR chairman at CEO Alejandro Tengco, nakapagtala ng phenomenal na pagtaas ng 464.38% mula noong nakaraang taon ang electronic gaming sector.

” This impressive performance is a strong indication that use of modern technology and mobile gadgets in gaming and amusement will continue to play a pivotal role in shaping the future of gaming”, sabi ni Tengco.

Nagpahayag din ng kumpiyansa ang PAGCOR na ang e-games sector ay patuloy na uunlad habang ang teknolohiya ay nagiging mahalagang bahagi ng pamumuhay ng mga tao kabilang ang shopping ,gaming at entertainment.

Samantala, ang lisensyadong mga casino na nanatiling pinakamalaking kontributor bsa ikatlong kwarter GGR ay nagdala ng P50.72 bilyon sa kabila ng 2.27% na pagbaba sa performance ng kita kumpara sa P51.90 bilyon noong nakaraang taon.

Ang gaming revenues ng Casino Filipino, na pinamamahalaan ng PAGCOR ay umabot sa P3.64 bilyon , bumaba ng 26.32% mula sa P4.94 bilyon na Nakita noong nakaraang taon.

Iniulat din ng PAGCOR na ang bingo operations na nag-ambag ng P4.52 bilyon sa GGR, bumaba ng 19.43%. mula sa P5.61 bilyon na naitala noong ikatlong kwarter ng 2025.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)