Home NATIONWIDE Kita ng Pinas sa sugal sumirit sa P410-B sa kabila ng POGO...

Kita ng Pinas sa sugal sumirit sa P410-B sa kabila ng POGO ban

NAKAPAGTALA ang gross gaming revenue (GGR) ng Pilipinas ng 25% na paglago noong 2024 kahit pa ipinagbawal na ng gobyerno ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) matapos na sumirit ang kita ng electronic games ng 165% noong nakaraang taon.

Ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR), ang GGR ng bansa ay tumaas ng P410 billion noong 2024 mula P329 billion noong 2023.

Nakapag-ambag ang Brick-and-mortar casinos ng P201 billion, habang nakitaan naman ang e-bingo sector ng 165% year-on-year GGR na paglago sa P154.41 billion.

“We partly attribute the strong performance of the local gaming industry to the strategic policy adjustments that we have implemented, such as the gradual reduction of fee rates for E-Games since 2023,” ang sinabi ni PAGCOR Chairman and Chief Executive Officer Alejandro Tengco.

“At the time, PAGCOR was collecting between 50% to 55% license fees, thus deterring expansion, but effective January 1, 2025, our fee rates for E-Games stand at only 30% of GGR,” aniya pa rin.

Ang mas mataas na GGR para sa 2024 ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo ang pagbabawal sa lahat ng POGOs, tinukoy ang “grave abuse” at “disrespect” sa sistema at batas ng bansa.

“As offshore gaming exits, PAGCOR recognizes that the future of Philippine gaming will continue to become more technology-driven. This is why PAGCOR will continue to closely regulate electronic gaming while ensuring strict oversight to combat illegal operators,” ang sinabi ni Tengco.

Samantala, nakapagtala naman ang PAGCOR ng P112 billion na kita noong 2024, dahilan para ang net operating income ay tumaas ng 51% hanggang P84.97 billion, at ang net income sa P16.76 billion.

Inanunsyo naman ng ahensiya noong 2023 ang plano na isapribado ang self-operated casinos sa halip na tutukan ang ‘purely regulatory role’.

Inaasahan na tataas ito ng P60 billion hanggang P80 billion mula sa mga nasabing plano.

Target nito na mag-divest mula casino operations sa susunod na limang taon, na inaasahan na may isang ‘integrated resort’ ang magbubukas kada taon. Kris Jose