Home SPORTS Kita sa EASL Game sa Cebu ibibigay sa biktima ng bagyo

Kita sa EASL Game sa Cebu ibibigay sa biktima ng bagyo

294
0

ISANG espesyal na laban ang magaganap sa Cebu sa darating na Nobyembre 15 sa muling pagbisita ng East Asia Super League (EASL) sa bansa.

Maghaharap ang Meralco Bolts at debuting Macau Black Bears sa Cebu Coliseum, ngunit higit pa sa basketball ang layunin ng naturang laro—lahat ng kikitain ay ilalaan sa mga biktima ng Bagyong Tino.

Ayon sa EASL, malubhang naapektuhan ng bagyo ang ilang barangay, kabilang ang Barangay Guadalupe, na nakaranas ng matinding pagbaha.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na magsasagawa ng laro ang EASL sa Cebu matapos ang matagumpay na Final Four noong 2024 sa Lapu-Lapu City.

Para sa Meralco, ito ang kanilang ikalawang home game matapos ang panalo laban sa Taoyuan Pilots sa Ilagan, Isabela. Pinangunahan ni Asian import Sina Vahedi at naturalized player Ange Kouame ang panalo.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here