DAVAO – Sinuspinde ang face-to-face classes sa Corona A. Cabanilla National High School sa Don Marcelino, Davao Occidental matapos na umano’y sapian at magwala ang isang estudyante, na sinundan pa ng ilang kaklase.
Sinabi ng prinsipal ng paaralan na isang estudyante ang isinugod sa health center noong Lunes dahil sa hirap sa paghinga.
Ang iba pang mga mag-aaral, mula Grades 7 hanggang 10, ay nag-ulat na nanghihina at nagsimulang nahihirapan.
Ang 24 na mag-aaral ay nasa mabuting kalagayan na, sabi ng ulat, ngunit nananatiling suspendido ang mga klase dahil sa pag-aalala ng mga magulang.
Inaasahang magbabasbas din ang isang pari sa paaralan sa Miyerkules.
Ayon sa ulat, bagaman hinihinala ng principal na maaaring may kinalaman ang masamang espiritu sa nangyari sa mga bata, wala naman itong basehan sa siyensiya. RNT