Home HOME BANNER STORY Klase sa hapon sa lahat ng antas sa Maynila, suspendido

Klase sa hapon sa lahat ng antas sa Maynila, suspendido

1
0

MANILA — Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Maynila ngayong Huwebes, Agosto 13, 2026, sa sesyon ng hapon dahil sa patuloy na pagkulog at pagkidlat na dulot ng habagat.

Iniutos ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang suspensiyon batay sa rekomendasyon ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD).

Ayon sa MCDRRMD, nagpapatuloy ang thunderstorm conditions sa lungsod ngayong umaga at inaasahang muling makararanas ng pagkulog at pagkidlat ngayong hapon.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga paaralan na ipatupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante habang suspendido ang face-to-face classes.

Hinimok naman ang mga magulang at estudyante na manatiling alerto at sumubaybay sa mga susunod na abiso ng pamahalaang lungsod kaugnay ng lagay ng panahon. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here