Home NATIONWIDE Klase sa mga pampublikong paaralan, pasok sa trabaho sa NCR suspendido – PCO

Klase sa mga pampublikong paaralan, pasok sa trabaho sa NCR suspendido – PCO

MANILA, Philippines- Sinuspinde na ng Malakanyang ang pasok sa mga pampublikong eskwelahan at trabaho sa mga ahensya ng gobyerno sa National Capital Region (NCR), epektibo ngayong alas-7 ng umaga, Agosto 28, 2024 dahil sa epekto ng Southwest Monsoon.

Ang suspensyon ng klase at trabaho sa NCR ay tugon sa liham na National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Usec. Ariel F. Nepomuceno kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas P Bersamin, ayon sa Presidential Commnications Office (PCO).

Nakasaad sa liham ni Nepomuceno, ipinabatid nito sa Pangulo na bunsod sa nagpapatuloy at forecasted rainfall ngayong araw na nagdadala ng panaka-nakang pag-ulan na may posibilidad ng flashfloods sa Kalakhang Maynila dahil sa Southwest Monsoon, inirekomenda nito ang suspensyon ng klase at trabaho sa NCR epektibong ngayong araw ng Miyerkules, Agosto 28.

Gayundin, ipinauubaya naman nito ang kahalintulad na aksyon para sa mga pribadong kompanya at eskwelahan sa diskresyon ng kani-kanilang pinuno.

Hindi naman kasama rito ang ‘frontline agencies’ na may kinalaman sa emergency services.

Aniya pa, mapipigilan ng “recommended suspension” ang anumang hindi kaaya-ayang insidente at matitiyak ang kaligtasan ng general public. Kris Jose