MANILA, Philippines- Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang karagdagang budget upang pondohan ang pagpapahusay sa coconut industry para sa susunod na mga taon.
Ayon sa press statement na ipinost ng Presidential Communications Office nitong Martes, gagamitin ang karagdagang budget na P1 bilyon para sa mass replanting at P2.5 bilyon para sa fertilization programs.
Nilalayon ng replanting program na makapagtanim ng halos 100 milyong coconut trees pagsapit ng 2028 sa mahigit 700,000 ektarya ng lupain. Samantala, gagamitin ng Philippine Coconut Authority (PCA) ang kanilang budget upang bumili ng fertilizer para sa nasabing programa.
“I’m focusing on the production side [of the coconut industry] and that’s what we have to increase. The critical part of that is the replanting,” wika ni Marcos.
Sinabi ni PCA Administrator Dexter Buted na gagamitin ang karagdagang pondo upang makapagtanim ng kabuuang of 15.3 milyong bagong puno ng niyog pagsapit ng 2025.
Target ng PCA na makapagtanim ng 8.5 milyong punla ngayong taon, 15.3 milyong punla sa 2025, at 25.4 milyon kada taon mula 2026 hanggang 2028.
“That’s why we still maintain our very high position in terms of coconut products exports because despite the fact that we have neglected the coconut industry over so many years, we still, I think we’re number one pa rin,” ani Pangulong Marcos.
“And despite the fact that we are really working with very limited raw material because nga hindi nag-replant puro matanda na ‘yung mga trees natin. That’s why this replanting is important,” dagdag niya.
Magsasagawa rin ang Department of Agriculture ng intercropping ng kape, cacao at saging, habang hinihintay na lumago ang mga puno. RNT/SA