Home ENTERTAINMENT Kobe, may patama kay Kyline?

Kobe, may patama kay Kyline?

Manila, Philippines- “Bidang-bida” ngayon ang kumpirmado nang hiwalay na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras.

‘Yun nga lang, theirs ended on a bitter note.

Believed to have parted ways early part of April, ginamit na sukatan ang pag-unfollow ni Kyline kay Kobe sa Instagram.

Several days later, in-unfollow na rin ni Kobe si Kyline.

To this day, none of them has stepped forward to clarify the status of their relationship.

Pero tila may pahaging si Kobe.

On IG, nag-post ito ng photo showing a certain part of a residence na may swimming pool.

Kadikit ng post niyang ‘yon ay kanta ni Tony Lanez na Wish I Never Met You.

Kahit daw itanggi ni Kobe who he’s throwing a shade at ay obyus namang si Kyline ang taong wini-wish niya na hindi na lang sana nakilala.

Dahil doon, a lot of netizens find Kobe’s “parinig” a bit too harsh.

Ano raw ba kasi ang ‘di kaaya-ayang katangian ni Kyline para masabi niya ‘yon?

It doesn’t mean though that Kyline has come out clean.

Ipinagtataka rin ng mga netizens kung anong meron sa ugali nito na isang malaking turn-off sa mga guys.

Nakalkal pa tuloy ang nakaraan nila ni Mavy Legaspi.

Hindi nga lang daw na-play up ang diperensya ni Kyline as Mavy chose to keep quiet.

Weighing both sides, mas marami ang tila nasa side ni Kobe–even citing his past romance with Ina Raymundo’s daughter.

Tahimik daw kasing nagwakas ang kanilang relasyon, without Kobe taking a swipe at her.

Nauna rito, may dalawang cryptic posts ang ina ni Kobe na si Jackie Forster sa social media.

Pinaniniwalaang si Kyline ang pinatatamaan ng dating aktres. Ronnie Carrasco III