Home METRO Kolehiyala ginahasa, pinatay, saka itinapon sa ilog

Kolehiyala ginahasa, pinatay, saka itinapon sa ilog

PANGASINAN – Natagpuang malamig na bangkay at walang saplot pang-ibaba ang isang 21-anyos na babae sa isang ilog sa Lingayen.

Napag-alaman na  third year college student ang biktima kung saan natagpuan ang bangkay nito sa ilog na bahagi ng Barangay Balangobong.

“Nag-request tayo sa PNP to determine if there an instances na ni-rape ang bata but primarily, ‘yan ang unang-unang motibo ng suspek na rape ang biktima,” ayon kay Police Lieutenant Colonel Vicente Castor, Jr., hepe ng Lingayen Police Station.

Sa ginawa namang follow-up operation, naaresto ang 32-anyos na suspek.

Kalaunan ay umamin ang suspek na ginahasa niya ang biktima pagkatapos ay sinakal hanggang sa mapatay ito.

Dinala rin ng mga awtoridad ang suspek sa pinangyarihan ng krimen at itinuro nito kung saan niya itinapon ang mga gamit ng biktima. RNT

Previous articleNesthy Petecio, Aira Villegas pasok sa Paris Olympics
Next articleKiefer Ravena, Shiga Lake sasabak na sa malupit na laban