MANILA, Philippines- Ibinida ng Bureau of Customs (BOC) na nalampasan nila ang target na koleksyon nitong buwan ng Enero 2025 makaraang umabot sa P79.343 bilyon ang kanilang kabuuang koleksyon na mas mataas ng higit P1 bilyon sa kanilang inaasahang revenue collection.
Ayon sa BOC, nasa P78.015 bilyon ang kanilang target na kikitain nitong nasabing buwan ngunit lumampas sila ng P1.328 bilyon o nasa 1.70% na pagtaas ng koleksyon.
Ayon sa BOC, ang pinakahuling koleksyon ay nagpapakita ng 8.10% na pagtaas, o P5.947 bilyon na higit sa P73.397 bilyon na nakolekta noong Enero 2024.
“Our priority is to sustain revenue growth while ensuring seamless trade and robust border protection,” ani Commissioner Bienvenido Rubio.
“The BOC will continue to innovate, enforce strict measures, and collaborate with stakeholders to support the government’s fiscal goals and drive national progress,” dagdag pa ng opisyal. JR Reyes