Home METRO Konduktor ng bus patay sa saksak

Konduktor ng bus patay sa saksak

MANILA, Philippines – Naaresto ng pulisya ang tatlong indibidwal na sumaksak sa konduktor ng bus sa Urdaneta City, Pangasinan.

Ang biktima ay kinilalang si Jessie mula Santiago City, Isabela, na nasawi dahil sa pananaksak.

Ayon sa mga awtoridad, pinagsasaksak si Jessie ng mga suspek na sina Joey, James, at Mario sa isang gasolinahan matapos ang argumento kasabay ng inuman sa isang restobar.

Tumakas naman ang mga suspek sakay ng bus.

Dinala sa Urdaneta District Hospital ngunit idineklarang patay.

Naglunsad ng manhunt ang pulisya dahilan para agad na madakip ang mga suspek na pawang mga residente rin ng Isabela.

Nasa kustodiya na ng Urdaneta police station ang mga suspek at sasampahan ng kaso. RNT/JGC