Home NATIONWIDE Konsehal sa Pangasinan patay sa bumanggang sasakyan

Konsehal sa Pangasinan patay sa bumanggang sasakyan

1
0

MANILA, Philippines – Patay ang 25-anyos na konsehal ng Bayambang, Pangasinan matapos masangkot sa vehicle crash nitong Huwebes ng gabi sa San Carlos City.

Sa inisyal na report, kinilala ang biktima na si Councilor Jan Nazer David Junio, na mabilis umano ang pagpapatakbo ng sasakyan sa provincial road sa Barangay Turac bandang alas-11 ng gabi nang bumangga sa concrete bridge barrier.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan si Junio na agad dinala sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City ngunit idineklarang patay.

Wasak din ang sasakyan ng konsehal, ayon sa pulisya.

Nakiramay naman si Bayambang Mayor Nina Jose-Quiambao sa pagkasawi ni Junio.

“Kulas was a true friend with a genuine heart for our people. His energy, dedication, and faithful public service have left a profound and lasting mark on the hearts of the entire Bayambang community,” ayon sa alkalde. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here