Home OPINION KONSTITUSYON AT PAGKAKASAKIT NI PBBM

KONSTITUSYON AT PAGKAKASAKIT NI PBBM

257
0

NAOSPITAL si Pangulong Bongbong Marcos kamakailan dahil umano sa diverticulitis o pamamaga ng bituka o pagkakaroon ng pouch o parang maliliit na lagayan ng barya sa malaking bituka na makikita sa labas nito.

Karaniwan umanong walang sintomas ang diverticulitis ngunit kung umatake ito, narito ang mga sintomas.

Tuloy-tuloy na pananakit sa parteng kaliwang bahagi ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka, pagtatae, kabag, lagnat at pagdurugo sa pagdumi.

Ang mga dahilan? Pagtuntong sa edad 40 anyos pataas, labis na kakulangan ng tulog, paggamit ng droga at iba pa.

Edad 68 na ang Pangulo kaya pasok siya sa diverticulitis, gayundin na bilang Pangulo, kulang na kulang siya ng tulog na may kasamang stress.

Kung ano ang kaugnayan ng droga na mismong si Senator Manang Imee Marcos ang nagsasabi, magtanong na lang kayo sa doktor ninyo…kung meron man.

Nang maospital, sinabi niyang huwag maging excited ang sinoman, lalo na kanyang mga kritiko, at hindi naman nakamamatay ang kanyang sakit…sabay-tawang sinabi na ang tsismis ukol sa kanyang kamatayan ay “highly exaggerated.”

Para sa atin, oks lang na tawanan ang sakit at saanman hahantong ito.

Basta magpakita siya sa madla at makita muli siyang nagtatrabaho.

Ganyan naman dapat ang gawin ng katulad niyang iniluklok sa pwesto ng taumbayan para manungkulan.

Pero ang kanyang posisyon ay napakahalaga bilang pinuno ng buong bansa.

Kapag meron siyang itinatago o kapag itinago na ng mga taga-Malakanyang ang kanyang pagkakasakit, baka lumitaw ang malaking problema at ‘yan ang dapat na bantayan.

Ang agawan sa pwesto ay posibleng magdulot ng kaguluhan lalo na sa parte ng mga hindi susunod sa itinatakda ng Konstitusyon na Bise Presidente dapat ang hahali sa pwesto ng sinomang Pangulong hindi na magampanan ang tungkulin sa anomang kadahilanan.

Kaya dapat magbantay lahat para sa pagsunod sa Konstitusyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here