Home NATIONWIDE Konstruksyon ng ilang klasrum sa NCR, natapos na ng DPWH

Konstruksyon ng ilang klasrum sa NCR, natapos na ng DPWH

181
0

MANILA, Philippines – Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng gusali sa ilang eskuwelahan sa Metro Manila bilang bahagi ng pagtugon sa kakulangan sa classroom sa mga paaralan.

Kabilang dito ang 4-storey school building sa Manuel L. Quezon Elementary School sa Caloocan City.

Ang pasilidad ay in-upgrade ay mayroon itong dagdag na mga classroom.

Idinagdag pa ng DPWH na ang 4-storey building sa Lucresia Kasilag Senior High School sa Quezon City ay nakumpleto na rin kung saan may “safety at security features” upang maprotektahan ang mga mag-aaral at mga empleyado.

Bukod sa pagtugon sa kakulangan ng mga silid-aralan ay hangad din ng pamahalaan na mapalakas ang “learning environment” para sa mga mag-aaral.

Nasa 165,000 classrooms ang naunang napaulat na target ng Department of Education o Deped na itatayo sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa, para matugunan ang kakulangan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here