DR CONGO – Patay ang 27 katao sa hindi pa tukoy na sakit na isang buwan nang nararanasan sa Democratic Republic of Congo.
Ang sakit ay may sintomas na lagnat, sakit ng ulo, at ubo na nakakaapekto sa lahat ng edad kabilang ang mga bata.
Naitala ang mga kaso sa rehiyon ng Panzi, na may limitadong health facilities.
Ang “unknown public health event” ay naitala simula noong Oktubre 24, na “already caused the deaths of 27 people out of a total of 382 people affected”, saad sa ulat ng National Institute of Public Health.
Posibleng mas mataas pa ang bilang ng mga kaso ng sakit.
“Civil society and the head doctor of the Panzi health zone have reported the loss of 67 lives,” ayon kay provincial health minister Apollinaire Yumba.
Ipinadala na ang grupo ng mga epidemiologist sa lugar bagama’t nagpaalala ito sa publiko na huwag mag-panic at limitahan muna ang mga paggalaw.
“Entering and leaving this health zone must be limited,” ani Yumba.
Dagdag pa niya, dapat munang iwasan ng mga tao ang “greeting each other by shaking hands, regularly washing hands”.
Nakikipagtulungan na ang World Health Organization sa Congolese authorities “to understand the situation”.
“We have dispatched a team to the area to collect samples for laboratory investigations,” sinabi ng WHO.
Ang DRC ay isa sa mga pinakamahihirap na bansa sa mundo na kamakailan ay nasalanta din ng outbreak ng mpox kung saan mahigit 1,000 ang nasawi dahil dito. RNT/JGC