Home NATIONWIDE Konstruksyon ng Mindanao disaster resource hub malapit nang simulan – DSWD

Konstruksyon ng Mindanao disaster resource hub malapit nang simulan – DSWD

224
0

MANILA, Philippines – Malapit nang magsimula ang konstruksyon ng kauna-unahang Mindanao disaster resource hub, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Sabado, Pebrero 7.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao ng Disaster Response Management Group, inilaan ang P500 milyon para simulan ang unang phase ng proyekto.

Kasalukuyang mayroong dalawang production hubs ang DSWD. Ito ay sa Luzon at sa Mandaue City na sakop naman ang Visayas region.

Ang itatayong Mindanao hub ay ilalagay sa Caraga region.

“Mahalaga ito sapagkat matutugunan at ma-susuportahan niya ang implementasyon natin ng Buong Bansa Handa Program,” ani Dumlao.

“Kailangan na mas ma-strengthen natin ang production at prepositioning of goods to support immediate relief assistance kapag mayroong kalamidad na nangyari at massive simultaneous disasters happening in the country.”

Sa ilalim ng Buong Bansa Handa program, gagamitin ng DSWD ang production centers bilang mga hub ng pamahalaan at pribadong sektor sa paghahatid ng mga tulong sa panahon ng kalamidad. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here