Home NATIONWIDE Kontrata sa pagde-deliver ng poll materials sa 2025 iginawad sa F2 Logistics

Kontrata sa pagde-deliver ng poll materials sa 2025 iginawad sa F2 Logistics

MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes na nakuha ng F2 Logistics Philippines, Inc. ang kontrata para sa deployment ng equipment, peripherals, forms, supplies at paraphernalia sa 2025 midterm elections.

Iginawad ng Comelec-Special Bids and Awards Committee (SBAC) ang P685.99 milyong kontrata “kasama ang pagkakaloob ng mga serbisyo sa warehousing.”

Sinabi ng SBAC, ang Lot 1 ng kontrata na halagang P130.99 milyon ay saklaw ang apat na rehiyon kabilang ang Cordillera Administrative Region, Ilocos, Cagayan Valley, at Central Luzon.

Magbabayad ang Comelec ng P161.99 milyon para sa mga serbisyo ng F2 Logistics para sa Lot 2 na binubuo ng National Capital Region, Calabarzon, Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan), at Bicol Region.

Ang Western Visayas, Central Visayas, at Eastern Visayas ay binubuo ng Lot 3 na may halagang P170.99 milyon.

Para sa Lot 4, magbabayad ang Comelec ng P221.99 milyon sa F2 Logistics para sa deployment sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro regions.

Ang F2 Logistics ay naging service provider din ng poll body para sa deployment ng mga election paraphernalia at supplies sa mga botohan sa Mayo 2022. Jocelyn Tabangcura-Domenden