MANILA, Philippines – Ibinunyag ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) na
hawak ng pamilya Discaya ang kontrata sa pagtatayo ng bagong gusali ng ahensya sa Taft Avenue sa Maynila.
Pero nilinaw ni NBI Director Jaime Santiago na maaaring nanalo sa bidding ang mga Discaya noong hindi pa siya nakapwesto bilang director.
Ayon kay Santiago, nagkakahalaga ang proyekto ng P2.4 billion at base sa inisyal na impormasyon ay kabilang ang mga Discaya sa dalawang kontratista para itayo ang bagong NBI building.
Tiniyak naman ni Santiago na isasama nila ito sa imbestigasyon kaugnay pa rin sa hinihinalang maanomalyang mga proyekto.
Tiniyak ni Santiago na isasama nila ito sa imbestigasyon ng kawanihan laban sa maanomalyang mga proyekto. Jocelyn Tabangcura-Domenden