Home ENTERTAINMENT Bea, natawa sa invite ni Lloydie!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Bea, natawa sa invite ni Lloydie!September 17, 2025 13:552460 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Sa halip na sa WhatsApp o Viber idinaan ni John Lloyd Cruz ang kanyang imbitasyon kay Bea Alonzo ay sa Instagram pa.Natural, nabuyangyang tuloy ‘yon sa publiko.Natawa na nga lang ang aktres na doon ipinadaan ni JLC ang kanyang invite with her boyfriend Vincent Co for some bonding moments.Ipinagmalaki kasi ni Lloydie na masarap magluto ang nobya niyang si Isabel Santos.Umoo naman si Bea sa paanyaya ng aktor.If ever, it’s going to be a foursome date.Kunsabagay, it’s always nice to see Bea and John Lloyd together–lalo na sa wide screen.Who’d ever forget Basha and Popoy, Bea’s and Lloydie’s characters, respectively, in One More Chance in 2007?Na nagkaroon ng sequel via Second Chance in 2015?Wala na nga bang aasahang kasunod nito?Ayon mismo kay Bea, hinahanapan daw sila ni JLC ng reunion movie.Assurance ng aktres, nakahapay daw ‘yon kung saan sila ngayon at this point in their lives.Which is where–near marriage to their respective partners? Ronnie Carrasco III