Home NATIONWIDE Kontratista sa demolisyon ng community center sa Maynila, pinakakasuhan ni Isko

Kontratista sa demolisyon ng community center sa Maynila, pinakakasuhan ni Isko

305
0
Sa unang Flag Raising ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagozo, inilatag niya at sinigurong sa mga kawani ng Manila City Hall na susulosyunan ito bagaman may kinakaharap na suliranin sa pananalapi ang lungsod na sasahod ika-30 ng buwan.Humingi din si Isko, kasama si Bise Alkalde Chi Atienza ng tulong sa mga empleyado na maglingkod sa mamamayan ng Maynila upang maibangon ang pagkakalugmok ng Lungsod. Crismon Heramis

MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagsasampa ng kasong kriminal at sibil laban sa general manager ng Jelsie Construction and Supply para sa “illegal” na demolisyon ng Rizal Avenue Sports Athletics Complex (RASAC) covered court sa Sta. Cruz, Maynila.

Naghain ng mga kaso sa City Prosecutor’s Office ang tatlong tanggapan ng Manila City Hall na kinabibilangan ng City General Services Office (CGSO), Department of Engineering and Public Works (DEPW), at Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO) ang naghain ng mga kaso sa City Prosecutor’s Office laban sa nasabing contractor na responsable sa paggiba sa mga istraktura ng walang kaukulang permiso batay sa umiiral na batas sa ilalim ng Local Government Code of the Philippines.

Batay sa rekord ng Department of Public Works and Highways (DPWH) North Manila District Engineering Office, pinondohan ang nasabing konstruksiyon ng P145.5 milyon ang Phase 1 ng Sentro Komunidad de Santa Cruz, isang multi-purpose building, na nakopo ng naturang kompanya sa pamamagitan ng Notice of Award nito lang Mayo 22, 2025.

Gayunman, sa halip na kumuha muna ng demolition at building permit sa lokal na pamahalaan, giniba kaagad ng contractor ang mga istraktura kabilang ang City Hall satellite office, police outpost, Public Recreations Bureau field office, daycare center, covered court at performance stage na sa mahabang panahon ay inookupa ng pamahalaang lungsod at ginamit pang isolation facility sa panahon ng pandemya.

Ayon kay Yorme, kasong Malicious Mischief ang isinampa ng CGSO dahil sa pagsira sa mga tanggapan, unlawful demolition at konstruksiyon ang inihain ng DEPW, habang hindi awtorisadong pagkuha sa pasilidad ng gobyerno ang inihain naman ng (MCDRRMO).

“I am instituting this criminal complaint as the local chief executive of the country’s capital city,” ani Domagoso.

“This is not only about protecting property but protecting the welfare of our citizens. We cannot allow private contractors to demolish and build at will without the authority of the city, especially on facilities critical to disaster preparedness and public service,” dagdag pa ng alkalde.

Nabatid na nasa P10.4 milyon na halaga ng danyos ang hinihingi ng lokal na pamahalaan sa kompanya dahil sa mga ginibang pasilidad sa isinampang kasong sibil.

Nilinaw naman ng alkalde na malugod naman nilang tinatanggap ang anumang proyekto at pagnenegosyo sa Maynila basta’t kailangan lang na dumaan sa tamang proseso.

“We welcome development in Manila, immaterial of political color, as long as you follow simple procedure,” paglilinaw ng alkalde.

Sa ipinadala namang impormasyon ng Local Government and Regional Operations Group ng Department of Budget and Management (DBM) sa tanggapan ng alkalde na may petsang August 22, nakasaad na “For Later Release” (FLR) ang naturang proyekto na nangangahulugan na hindi pa aprobado ng Office of the President.

Ang RASAC complex ay itinayo noong 1910 at kalaunan ay muling binuo sa isang all-weather covered court noong 1995 sa ilalim ng noo’y Mayor Alfredo S. Lim. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here