Home TOP STORIES Kontrol sa Cavitex ops kinuwestyon ng PEATC

Kontrol sa Cavitex ops kinuwestyon ng PEATC

93
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Public Estate Authority Tollway Corporation (PEATC) na ang kanilang ahensya ang dapat na umano’y may kontrol sa pangangasiwa ng Manila-Cavite Expressway o Cavitex.

Ito ang iginiit ni PEATC spokesperson Atty. Ariel Inton bilang tugon sa mainit na usapin sa pagitan ng PEATC at Cavitex Infrastructure Corporation (CIC).

Aniya, ilang beses na umanong kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang kontrol ng Metro Pacific Tollways Corporations (MPTC) sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) sa halip na sa PEATC.

Kaugnay nito, sinabi ni Inton na sa audit observation report ng COA noong 2018, tinanong nito ang state-owned company kung bakit wala itong hiwalay na transaction record mula sa Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) para sa kanilang operations at maintenance agreement.

Paliwanag pa ni Inton, bago paman lagdaan ang joint venture sa pagitan ng gobyerno at CIC noong 2006 ay mayroon ng sariling record of revenues and expenses ang PEATC.

Gayunman, dahil sa revenue sharing partnership, ang tanging nakukuha lamang ng PEATC ay remittances mula sa toll collection at wala itong record ng disbursement.

Kinontra din ni Inton ang pahayag ng MPTC at CIC na hindi pa bayad ang gobyerno sa kanilang investment.

“Ha? Aba’y 2006 hanggang ngayon hindi pa kayo bayad? Isinama kasi ng Metro Pacific at CIC ang gastos nila sa ibang Phase ng CAVITEX na wala naman sa original Joint Venture Agreement ng Pilipinas at Malaysian companies. Ang phase 1 lang ang pinag-uusapan sa joint venture agreement,” pahayag ni Inton.

Aniya, sa simpleng computation at sa hatian na 10% sa gobyerno at 90% sa CIC, mula 1998 hanggang 2023 ay kumita ang pamahalaan ng P2,582,206,817 habang ang CIC naman ay kumita ng tumataginting na halagang P28,504,930,328.82.

Giit ni Inton, kung nakuha ng MPTC ang interes sa proyekto ng Malaysian companies sa halagang P6- billion ay maliwanag na napakalaki na ng kinita ng mga ito.

Hindi rin aniya makatarungan panukala ng CIC na iba-buy out nila sa gobyerno ang interes nito sa Cavitex na P2.5 billion dahil marami pa silang dapat ipaliwanag.

Nilinaw din ni Inton na kahit pa ang PEACT na ang mangasiwa at mangulekta ng toll fees sa CAVITEX ay kikita parin naman ang CIC dahil mapapalitan lang ang hatian sa 60-40 porsiyento. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here