Home NATIONWIDE 4 na lugar positibo sa red tide

4 na lugar positibo sa red tide

MANILA-NAGPAALALA sa publiko ang pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mahigpit na ipinagbabawal ang pagkain at pagtitinda ng mga seafood sa apat na lugar sa probinsya matapos itong magpositibo sa toxic red tide, iniulat kahapon, Mayo 4.

Batay sa inilabas na bulletin ng BFAR noong Mayo 3, 2024 ang mga nasabing lugar ay ang mga sumusunod: Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte.

Sinabi ng BFAR na ang mga makukuhang shellfish sa mga nasabing lugar ay positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide.

Ayon sa BFAR, ligtas pa rin kumain ng isda, pusit, hipon, at alimango lalo na kapag sariwa pa ang mga ito at kailangan linisin mabuti at lutuin ng maayos. Mary Anne Sapico