Home NATIONWIDE Kooperasyon ng DOJ, Ombudsman mas pinaigting laban sa katiwalian

Kooperasyon ng DOJ, Ombudsman mas pinaigting laban sa katiwalian

333
0

MANILA, Philippines – Mas pinaigting ang kooperasyon at pagtutulungan ng Department of Justce at Office of the Ombudsman laban sa katiwalian.

Ayon kay DOJ Officer-in-Charge Frederick Vida, mas tumibay ang relasyon ng DOJ at bagong Ombudsman si dating Justice Secretary at ngayo’y Ombudsman Boying Remulla.

Tiwala si Vida na mas mapapabilis ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Aniya, hati ang trabaho ng dalawang tanggapan para makakalap ng karagdagang ebidensya kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control project.

Dagdag pa, mas pinaigting pa ito sa isinasagawang imbestigasyon ng independent commission for infrastructure o ICI.

Binigyang-diin ni Vida na maaaring kumilos ang DOJ para mapanagot ang mga opisyal ng gobyerno, kabilang na ang mga DPWH district engineer na may salary grade 25. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here