Home NATIONWIDE Reconciliation sa ethics complaint vs Barzaga, tinanggihan ni Puno

Reconciliation sa ethics complaint vs Barzaga, tinanggihan ni Puno

270
0

MANILA, Philippines – Hindi pabor si House Deputy Speaker at Antipolo Rep Ronaldo Puno na magkaroon ng “reconciliation” sa inihaing reklamo sa House Ethics Committee laban kay Cavite Rep Kiko Barzaga.

Ang pahayag ay ginawa ni Puno kasunud ng binuong Reconciliation Sub Committee na hahawak sa lahat ng mga kasong nakahain sa komite kasama na ang reklamong kinahaharap ni Barzaga.

Si Barzaga ay nakahaharap sa reklamong paglabag sa House Code of Conduct; paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Official and Employees at Inciting to Sedition.

Ipinaliwanag ni Puno na hindi opsyon ang rekonsilasyon sa kaso ni Barzaga dahil hindi naman ito isang “personal grievance”. Hindi naman sa akin ang insulto eh, ang insulto is to the institution, aniya, dapat magpakita si Barzaga ng maayos na asal at pakikitungo lalo na kapag nasa loob ng plenaryo.

Sinabi pa ni Puno na hindi dapat gayahin ng iba ang asal ni Barzaga.

“We should remind him about the standards of human behavior. He does not believe that he did anything wrong because obviously his standards are much lower than the average person,” ani Puno.

“So I think, maybe, he should be given a lesson by the ethics committee that that kind of behavior is not desirable, it is not acceptable especially if you’re a member of the House of Representatives,” dagdag pa nito.

Ipinaliwanag ni Puno na hindi ang ipapataw na parusa ang kanyang habol sa pagsasampa ng reklamo kay Barzaga kundi ang pagtatakda ng standard.

“There’s more to it than just punishment. I’m not really interested in the sanction as much as the establishment of standards. Kasi kung gayahin siya ng sampung congressman na puro ganun ang ginawa sa mga Facebook nila, eh kawawa naman ang institusyon di ba? Maba-baboy na talaga. So dapat pangaralan yan eh, hindi tama yung ginagawa niya,” pagtatapos pa nito. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here