Home NATIONWIDE Kooperasyon sa edukasyon, disaster response palalakasin ng PH, Malaysia

Kooperasyon sa edukasyon, disaster response palalakasin ng PH, Malaysia

MANILA, Philippines- Nagkasundo ang Pilipinas at Malaysia na palalakasin ang pagtutulungan sa edukasyon at disaster response.

Isinagawa ang kasunduan matapos na mainit na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Dr. Ahmad Zahid Bin Hamidi,  Deputy Prime Minister at Minister for Rural and Regional Development ng Malaysia, sa Palasyo ng Malakanyang.

Sa ginawang courtesy call ni Hamidi, sinabi ni Pangulong Marcos na ang “very good workforce” ng Pilipinas ay “young, hardworking, at well-trained.”

“Filipinos are used to working with foreign entities because of our diaspora. But we have to train them. After COVID, everything is new. The technologies are different,” ang sinabi ni Pangulong Marcos ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Ayon pa rin sa Malakanyang, sinabi ni Hamidi na nais ng Malaysia na matuto mula sa Philippine education system, sinabi nito na nakatutok ang bansa sa paghikayat sa mga estudyante na piliin ang Technical and Vocational Education and Training (TVET).

Pagdating naman sa disaster response cooperation, binanggit ni Hamido ang Malaysian special group na tinawag na SMART Team, maaaring ipadala sa Pilipinas sa panahon ng tag-bagyo at kalamidad subalit kailangan ang pag-apruba ng Pangulo.

“Of course, that is a very generous offer of assistance. Yes, thank you. Actually, we can organize that as soon as everyone is ready for that,” ang tugon naman ni Pangulong Marcos.

Matatandaang binisita ni Pangulong Marcos ang Malaysia noong Hulyo 2023. Buwan ng Marso ngayong taon, kagyat na tinugunan ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ang naging pagbisita ni Pangulong Marcos sa pamamagitan ng opisyal na pagbisita sa Pilipinas.

“Malaysia was the Philippines’ ninth largest trading last year, with total trade amounting to $8.15 billion,” ayon sa PCO. Kris Jose