Home NATIONWIDE Kooperasyon sa ICC pinabulaanan ng Malakanyang

Kooperasyon sa ICC pinabulaanan ng Malakanyang

MANILA, Philippines- Nanindigan ang Malacañang nitong Miyerkules na hindi nakikipagtulungan ang Philippine government sa International Criminal Court. 

Ito ang naging tugon ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro nang tanungin ukol sa naunang pahayag ni ICC spokesperson Dr. Fadi El Abdallah kung saan pinasalamatan ang Pilipinas sa pagpapairal ng international accountability mechanism nang magpalabas ang korte ng warrant of arrest laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

”We have not been cooperating with the ICC. It’s clear because the stance of the President regarding the jurisdiction of the ICC over the Philippines remains,” giit ni Castro sa briefing. 

Inasistihan ng Philippine authorities noong March 11 ang International Criminal Police Organization (Interpol) sa pagsisilbi ng warrant of arrest mula sa ICC laban kay Duterte para sa crimes against humanity kaugnay ng kanyang drug war.

Matapos ito, dinala si Duterte sa the Hague sa the Netherlands.

Dinala si Duterte noong March 13 (Philippine time) sa Hague Penitentiary Institution o ang Scheveningen Prison habang hinihintay ang paglilitis.

Kasado ang susunod na hearing on the confirmation of the charges sa September 23, 2025. RNT/SA